“Saw you for like…3 seconds, and it made my day.”
So… boredom and procrastination brought out the “writer” kuno in me though I REALLY REALLY need to study right now but (Hahaha! I know I’ll regret this later on…) Anyway, this post is for those who have crushes that are going really crazy for those fervent stares from their crushes. (Waaaa~)
- He was just curious.
Siguro curious lang siya dahil syempre, you barely know each other at tingin ka ng tingin sa kanya. Awkward kaya iyon. Kaya siguro, curious din siya about you and the reason why you just can’t stop looking at him. Wala eh, “Can’t Take My Eyes Off You” ang peg ni atey (Aba ate hinay-hinay naman po kasi sa pagtitig at baka matunaw si koya).
2. Para pakiligin ka on purpose.
Well, in this time of the sem, syempre, dama mo na ang kasagsagan ng papers, long exams, speeches, and other stuff so he just thought na, maybe just to lift up your spirits, makikipag-exchange siya sa iyo na eye contact to brighten up your day. Well, wala siyang crush sa iyo pero wala lang, para lang sumaya ka naman sa buhay mo )kasi good samaritan daw siya hahaha). Naiintindihan niya lang na lahat tayo may pinagdadaanan sa acads and he just wants to make people happy (through eye contact, shocks). Nice `no?
3. There is something on your face.
What I meant there is hindi naman sa panget ka. I meant na baka may dumi ka sa mukha mo or something, tas tingin ka ng tingin sa kanya. (Awkward…) Baka iniisip ni kuya na why is there a weird stranger with dirt on her face (always) with a strange look lagi sa kanya… Hmm… creepy.
4. Mahilig siyang magpaasa
Feel na feel niya lang talaga kapag maraming girls ang nahuhumaling sa kanya kaya ipaparamdam niya sa bawat isa na he’s interested through intense eye contact with matching smirk pa yan oh. Edi syempre kilig naman ang lola mo. Hahaha! Luka-luka! Pinapaasa ka lang niyan uuuy!
5. No reason AT ALL
Ikaw lang jan ang nagbibigay meaning sa tingin niya no. Hay! Wag ka kasi feeler teh! Baka naman yung nasa likod mo tinitignan niya o kaya lang mukhang intense ang tingin niya kasi malabo ang mata niya at kailangan niyang makita ang surroundings niya. Or maybe napatingin lang talaga siya sayo for a moment kasi wala lang talaga.
6. May crush din siya sa’yo (wow, haba ng hair)
Manhid ka lang talaga kaya kahit anong titig niya di mo pa rin magets na may crush din siya sayo. Andami mo pang iniisip na dahil tulad ng mga lomang na nauna eh sa totoo lang naman e crush ka din naman niya. (Kalma.) Baka shy type lang si Koya kaya, you know, he just can’t express his feelings well. O kaya naman, hanggang crush lang muna ang iniisip niya and nothing more than that kasi acads first (wow). Just remember, okay lang mangarap pero mahirap umasa, kaya for the meantime, just enjoy the eye contacts and focus ka na rin muna sa acads.
O siya, pag ako talaga tinamad na magbasa ng sandamakmak kong readings, matutulog na lang talaga ako. Ciao!
May the super intense eye contacts bring you uno… 🙂