Academics

Kaunting pahinga muna

Magandang gabi. Ngayon ay isang araw ng panandaliang paglaya. Nakahinga ako kahit paano. Hindi man ganoon kaluwag pero hindi na rin ganoon kasikip. Noong mga nakaraang araw kasi, sobrang pagod na ang nararamdaman ko. Dama ko na ang pagluwa at pagsuko ng aking mga mata. Ilang oras ang pagtutok ko sa aking kompyuter mula sa pagmulat ng aking mga mata sa umaga, hanggang sa abutin ako ng hatinggabi. Matutulog, gigising, at muling haharap sa kompyuter kong naawa na rin ako dahil walang na rin itong pahinga. Kahanga-hanga ang teknolohiya. Hindi napapagod, di tulad ng tao. Pero hindi ba, pagdating ng araw, masisira rin naman ito dahil sa abuso nating paggamit dito? Teknolohiya na iyan. Walang nararamdaman. Pero ako, tao ako. Napapagod. Bukod sa mata, ramdam ko na rin ang pamamaga ng aking mga kalamnan sa bawat parte ng aking katawan. Magtitiis na lang ako. Gaano pa ba ito katagal? Siguro naman ay kaya ko pa kahit na paano. Ang tanong ko lang rin sa sarili ko ay gaano pa ba ako katagal magtitiis sa mga taong pilit kong pinakikisalamuhan, para lang maiahon ang aking mga marka. Kailangan eh. Nakakapagod na pero kailangan. Hindi ko maaring gawin ng indibidwal ang mga gawain kung ito ay iniutos na gawin ng grupo. Siguro, masasabi ko na lang rin na may kamalasan din ako sa mga taong napupunta sa akin, pagdating sa mga gawaing ganoon. Sa huli, madalas akong maiwan sa ere. Sa huli, pilit akong kikilos para mapunan ang mga espasyong dapat punan ng responsibilidad ng ibang tao. Masakit na ang mata ko. Gaano pa ba ako katagal na magiging ganito? Pero ngayon gabi. Iba. Kahit paano, natapos ko ang isa sa pinakamapaghamon kong mga linggo sa akademya. Halos mawalan na ako ng hininga. Pero heto pa rin ako, nakakapagsulat ngayon. Kaya naman lalasapin ko muna itong kaunting pahingang ipinahihiram sa akin ngayon ng oras. Kaya ko pa naman siguro.

6 thoughts on “Kaunting pahinga muna

  1. Medyo na relate ako sa post mo Ate. 😉 Walang problema ang hindi nalalampasan. Kaya mo yan. Sabi nga ni Ate Amielle, “Laban lang” kahit sukong suko na tayo, kahit pakiramdam natin na hindi na natin kaya, think about what can happen if you finished it right? You’re not alone. 🙂

    Liked by 1 person

    1. Yeah, hindi talaga madaling gawin ang groupwork ng mag-isa (tulad ng ginagawa ko nanaman ngayon hahaha) Hayy. Totoo, sobrang sarap din naman ng feeling na matapos yung isang gawain na pinaghirapan mo rin talaga. Laban! ♥

      Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s