Life and Adventures

Dina Emilio

Itong mga isda namin ang kukulit. Di ko alam kung agit na ba silang magkasama sa iisang aquarium or what. Pero hindi eh, baka kasi magpatayan lang sila at sa huli, kami rin ang magsisi. Male and female fighting fishes kasi ang alaga namin dito sa dorm at magkahiwalay sila ng aquarium. Kaso etong si Dina (male) laging gumagawa ng bubble nest kahit na anong palit namin ng tubig. May pinaplano eh. Magkatabi rin ngapala ang aquariums nila kaya nakikita nila ang isa’t isa kaya ayun, pag nakikita nila yung isa’t isa, inuuntog nila yung sarili nila sa glass. As if naman makakarating sila sa kabilang aquarium diba. Medyo nakakadistract lang talaga, kasi habang gumagawa ka ng paper mo, o kahit nage-fb lang, bigla mo na lang mapapansin sa peripheral vision mo na nagsasabungan sila. Hirap nga lang eh, isda sila kaya di ko talaga malaman kung galit sila sa isa’t isa o masyado lang sabik to be together. Minsan nga gusto kong kumanta ng aquariums apart, day after day…and I slowly go insane… (Kung gets nyo, thanks) Lately napansin din pala namin ng roommate ko na may stripe pattern na si Emilio (female), which according to research ay ready na daw yung for mating. Unfortunately, nung pinagsama namin sila sa iisang aquarium, nagsabungan lang sila at etong si Dina ay sugod ng sugod kay Emilio. Sobrang nagpanic yung roommate ko kaya heto sila ngayon, magkahiwalay nanaman ng aquarium. Baka di pa talaga sila physically ready. I wonder kung kelan sila magkakababies… though baby pa rin sila ngayon para samin kaya di talaga pwede. Buti na rin at di natuloy silang magmate kasi baka teenage pregnancy diba. Di pa pala sila handa magkafamily tas kami lang yung atat. Mahirap din yung kasi baka bumili na kami ng pangatlong aquarium dito sa dorm.

5 thoughts on “Dina Emilio

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s