Life and Adventures · UPLB stuff

Ako, Para kay B, at si Ricky Lee

I wrote this post last October 2017 pa so this post is really months months late na huhu (ew, ang arte pakinggan hahaha). I thought I published it but… 😭

October 2017

Bago matapos ang buwang ito, at bago ko makalimutan pa, kailangan ko na i-post ito. Medyo mahaba siguro tong magiging post ko ngayon at free flowing lang rin.

Nitong buwan ay dinaos yung annual event ng UPLB Rhetoricians na Powerhouse. And syempre, coming from the title, ang guest speaker ay si Ricky Lee! Monday siya ginanap so may NSTP ako ng araw na iyon, pero hello? Si Ricky Lee na yon mamehhn! So go ako, grabe. Tuwang-tuwa ako noon kasi wow, Ricky Lee yon. Matunog na pangalan sa industriya. Kumbaga, isa na siya sa mga pillars of Philippine literary industry, diba? Ganon. Although, nakakahiya mang sabihin, pero sa totoo lang, wala pa akong nababasa noon na kahit isang gawa niya. Basta alam ko lang na magaling talaga siya.

Isa sa mga kinahangaan ko pa lalo sa kanya ay isa pala siya sa mga survivors ng Martial Law victims. Alam mo naman, ang issue ng Martial Law, sobrang tunog din niyan dito sa amin so wow. Real and alive. Nagkwento siya sa amin ng experiences niya sa underground. Yung mga pinaglalaban nila noon, and take note ha, may sakit pa pala siya nung time na iyon. I don’t remember kung sa baga ba iyon or something pero nasurvive niya.

Tapos pala, nagcoconduct din siya ng FREE workshops for aspiring writers. Wow, huy free. Grabe gusto ko, kaso where to find time diba. Tapos andito pa ko sa Elbi, sa weekend ko na lang nakakasama pamilya ko. Tapos yun na nga, series of workshops siya. Kumbaga, ite-train talaga niya kayo personally, as in tutok na tutok. Gusto ko talaga huhu, my master. Gusto ko gumaling. Rather, gusto kong matuto kasi diba, wala pa ko dun sa level ng marunong diba hahaha. On one side din naman, nahihiya akong magworkshop, kasi diba awesome siya tas pag nakita niya bigla sulat ko hahaha basura mare. Pero one the other side naman ulit, bakit pa ako mahihiya, eh chance na yun! Kaya nga may workshop para mag-improve diba? Diba?? So, ayun. Pero sa huli alam ko namang di rin ako magpaparticipate doon at hanggang gusto na lang ako, kasi heavy na talaga workload ko sa buhay. Hay.

So back to Ricky Lee! Alam niyo, nakakatuwa kasi habang nagto-talk siya, wala siya sa stage. Andun lang siya sa baba at ako naman, alam niyo na, bida-bidang sa first row naupo since pumayag naman sila. Dun na rin ako naupo kasi baka mahawaan niya ako ng creativity niya haha. May pagkashy-shy siya tapos mukha siyang lolo na mabait. Tapos sabi niya rin samin pwede daw kaming mag-interupt kung may mga tanong kami. So parang lecture-forum type siya ganon.

Binigyan niya kami ng 10 tips sa writing and kaso share ko na lang next time kasi naiwan ko notebook ko sa bahay. Uy, nagtake down notes talaga ako ha. Hahaha!

Wala sa budget ko pero ayun, napabili ako ng novel niyang Para kay B at napapirmahan ko siya yaaas! Tapos nakahandshake ko pa siya. Yahoo!

Bilang simula nga ng week, focus muna sa acads kaya nung pauwi ako samin ng Friday ko siya nabasa. Bes, ang sheket sheket. Tagos sa puso at sobrang dadalhin ka niya dun sa loob ng libro. Fiction siya na parang creative non-fiction ang levels. Parang totoo. Dama eh. Yung feeling na nagbabasa ako sa jeep tas bigla na lang ako mahaheartbroken, matatawa, magugulat sa mga pangyayari. Tipong mukha na talaga akong may sayad ng kaunti. Buti na lang dun ako sa tabi ng driver naupo kaya katabi ko lang ang nakawitness ng kabaliwan ko.

Grabe, thank you Sir Ricky Lee sa knowledge at sa experience. Hindi ko na hinahangad maging kasing galing mo pero sana kahit one-fourth lang naman pls hahaha.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s